Minsan Akong Naging Iskolar?
Feature Writing.
Iskolar. Isang salitang sa unang pandinig ay tila isang mababaw na salita lamang. Marahil ay iniisip pa ng iba na kapag binansagan kang iskolar, madali na ang buhay mo, walang hirap na daranasin dahil wala kang babayaran, wala ka ng iisipin at "hayahay" na ang buhay mo. Ang pananaw na ito ang nais kong burahin sa isipan ng sinomang naniniwala dito sapagka't isa rin naman akong iskolar.
Masarap maging isang iskolar. Napakasarap! Bukod sa makakapag-aral ka na ng libre ay maipagmamalaki ka pa ng mga magulang mo. Ngunit mula ng panghawakan ko ang katagang ito, tila naatangan na rin ako ng napakabigat na pasanin at responsibilidad. Tunay ngang may katumbas at kaakibat itong malaking pananagutan sapagkat hindi permanente ang katagang ito. Kung sakaling maiwala mo, mahirap nang maibalik pang muli.
Upang mapanatili ito sa aking kamay, kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko. Hindi pwede ang pwede na. Marahil ay kailangan ko pang magdanas ng milyong pasakit upang mapanatili ito. Ngunit alam kong ito ay may patutunguhan, ang pagiging iskolar ay maituturing kong isang susi patungo sa tagumpay kong ninanais.
Mahirap man, ngunit alam kong sa awa at tulong ng Panginoon ay may magandang ibubunga ito. Tunay ngang marami ang nag aasam na maging iskolar, at mapalad ako na isa ako sa nagkamit nito. Kung loloobin mang maipagtapos ko ito, maipagmamalaki ko sa aking mga kaibigan, magiging anak, magiging apo, na isang parte ng buhay ko, minsan akong naging iskolar.
Postponement of the Arraignment of Janet Lim
Straight News
Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda accepted the
petition to postpone the arraignment of Janet Lim Napoles this september 09,
2013. According to Judge Almeda, there is a need to resolve the motion that
they have filed including the motion to suspend proceedings of Reynald Lim, urgent
motion for bill in particulars, and motion to defer arraignment of Janet Lim
Napoles.
Judge Almeda added that they still need to wait for the decision of
the Supreme Court to read the arraignment of Napoles to Fort Sto. Domingo,
Laguna. Instead of September 09, it will be on the 23rd of this
Month. Atty. Kapunan, lawyer of Janet Lim, said that it is reasonable to
postpone the arraignment because Janet will not flee.
PNP at Judiciary, Nagwagi Kontra PhilHealth at AFP.
Straight News
Nagwagi ang Philippine National Police (PNP) kontra PhilHealth, 100-73, sa ginanap na 1st UNTV CUP nitong Agosto 18, 2013 sa Pasig Sports Center sa Pasig City. Samantala pinataob naman ng Judiciary ang Armed Forces of the Philippines sa iskor na 100-97.
Pinangunahan ni Ollan Omiping ang PNP at gumawa ng 24 puntos na siyang nagpanatili sa pagkaliderato nito sa pitong kupunan. Si dating PBA player Don Camaso naman ang nanguna para sa Judiciary na humakot ng 27 puntos, 20 rebounds, 3 steals at 3 blocks.
Nananatili ang PNP sa unang rango na may rekord na 3-0, at pumangalawa naman ang Judiciary.
Samantala nagtala ang Philhealth ng rekord na 2-1 na pinamunuan ni guard Kenneth Emata sa kanyang iskor na 16.

.jpg)